8 detainees na tumakas sa Malibay Facility Substation 6, balik-selda na; 2 pugante, patuloy pa ring pinaghahanap

Balik-selda na ang walong detainees na tumakas mula sa Malibay Police Substation sa Pasay City.

Magkasunod na naaresto sina Romeo Estopa at Carlo Benavidez kanina lang.

Naaresto si Benavidez sa Imus City, habang si Estopa ay nasa bahagi ng Maricaban.


Sa ngayon, dalawang pugante pa ang hinahunting na mahuli at ito ay sina Norman Eeyta at Richard Dela Cruz.

Kasunod nito, sinibak sa pwesto ang Malibay Pasay Police Substation 6 Major Sunga habang magpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Facebook Comments