Mga palaboy sa Maynila, patuloy na inaaksyunan ng pamahalaang lokal

39

Sinuyod ng mga tauhan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) Disaster Management at Rescue Teams kahapon ang kahabaan ng P. Burgos, Sta. Isabel, U.N. Avenue at Kalaw Avenue.


Bahagi ito ng ginagagawang reach out operations ng Manila City Government para tiyakin ang kaligtasan ng mga street dwellers o palaboy sa lansangan sa gitna ng pandemya.

Batay sa huling tala ng MDSW, umabot na sa halos isang libo ang bilang ng mga street dwellers na nasa kanilang pangangalaga.

Kasalukuyan silang nananatili at kinakalinga ng MDSW sa RASAC covered court, Canonigo Gym, Fugoso Sports Complex at Manila Boystown Complex.

Facebook Comments