Isasara isang beses sa isang linggo ang mga palengke, talipapa at mga groceries sa lungsod ng Navotas.
Ito ay dahil isasailalim sa disinfection ang mga pamilihan sa lungsod upang matiyak na ligtas ang mga mamimili at mga residente.
Bahagi rin ang hakbang na ito sa kampanya ng Navotas laban sa COVID-19.
Tuwing Lunes ay isasara ang mga palengke, talipapa at mga groceries para sa disinfection kaya paalala sa mga residente ng lungsod na sa ibang araw mamili.
Nagpasalamat naman si Navotas Mayor Toby Tiangco sa mga barangay, fire, at rescue volunteers na tumutulong sa disinfection.
Facebook Comments