Mga paliparan na nagbukas para sa commercial flights, umabot na sa 47

Umabot na sa 47 na mga paliparan sa bansa ang muling nag-operate para sa commercial flights.

Ito’y matapos maglabas ng order category ang ilang Local Government Units (LGUs) sa mga lalawigan na sumusuporta sa muling pagbubukas ng commercial flight operations sa mga lugar na kanilang mga nasasakupan.

Gayunman, nananatili namang sarado para sa commercial flight ang Camiguin Airport at Tuguegarao Airport.


Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), 346 commercial flights na ang kanilang naitala para sa commercial flight operations at cargo flights na nagdadala ng mga kalakal sa ilalim ng mga probisyon ng General Community Quarantine.

Kaakibat pa rin nito ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols at mga panuntunan na ipinatutupad ng LGUs sa mga lalawigan na muling nagbigay ng pahintulot para sa commercial flight operations ng local airlines.

Facebook Comments