Pinatitiyak ni AANGAT TAYO Partylist Rep. Harlin Neil Abayon JR., na earthquake resilient ang mga paliparan sa bansa.
Labis na nabahala ang mambabatas sa pagguho ng ilang bahagi ng Clark International Airport matapos ang nangyaring 6.1 magnitude na lindol.
Aniya, International Airport pa man din ang nasa Clark pero mahina pala ang structure nito.
Dapat aniyang masuri na lahat ng paliparan sa bansa ay earthquake resilient o hindi basta masisira o guguho sakaling magkalindol.
Dahil dito, plano ng kongresista na magsagawa ng sariling pagsisiyasat bilang myembro din ito ng House Committee on Transportation.
Hihingin nito ang mga structural design at report ng mga engineer mula sa Bases Convertion Development Authority, Clark Development Corporation at mismong sa mga namamahala ng paliparan para alamin ang civil engineering history ng mga istrakturang nasira sa Clark airport.