Tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nananatiling normal ang operasyon ng mga paliparan sa Regions 1 at 2 sa harap ng pananalasa ng Bagyong Betty.
Ito ay bagama’t kanselado ang flights ng Cebu Pacific at Philippine Airlines sa naturang mga lugar.
Ayon sa CAAP, wala namang paliparan sa Northern Luzon ang napinsala ng bagyo.
Sa kabila nito, patuloy na naka-monitor ang CAAP sa sitwasyon sa mga paliparan sa Baguio, Laoag, Lingayen, Rosales, Vigan, Palanan, Itbayat, Cauayan, Basco, Tuguegarao, Bagabag at ang San Fernando Tower Facility.
Pinapayuhan naman ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa kanilang flight schedules.
Facebook Comments