Mga Pinoy na nagpaiwan sa Sudan, hiniling na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Egypt

Pinapayuhan ng Philippine Embassy sa Cairo ang mga Pilipinong nagpaiwan sa Sudan na makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng Email, WhatsApp o Facebook Messenger.

Nais kasi ng embahada na makuha ang kanilang eksaktong lokasyon sa Sudan at ang pangalan ng kanilang employer.

Nais ding maidokumento ng Philippine Embassy ang dahilan kung bakit nagpasyang magpaiwan sa Sudan ang ilang Pinoy.


Tiniyak naman ng embahada na bukas pa rin sila sa mga pinoy na nais humabol pauwi ng Pilipinas.

Facebook Comments