Hinimok ni Anakalusugan Partylist Representative Michael Defensor ang mga state universities sa Batangas, Cavite at Laguna na buksan ang kanilang mga pamantasan para gawing temporary evacuation centers ng mga biktima ng pag-sabog ng Taal.
Paliwanag ni Defensor, ang mga State Universities ay maaaring i-accommodate ang mas maraming bakwit dahil mas malawak ang lupa at istraktura ng mga ito kumpara sa mga pampublikong elementary at High Schools na may limitado lamang na espasyo.
Sa ganitong paraan din aniya ay maaari namang maituloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral sa mga public schools na ginawang evacuation centers.
Sinabi ni Defensor na sa ngayon ay naitala ang 200 mga public elementary at high schools sa Batangas at Cavite na ginamit na evacuation centers dahilan kaya matatagalan pa ang pagbabalik eskwelahan ng mga mag-aaral.
Tinukoy ng kongresista na ang Batangas State University ay may dalawang main at dalawang satellite campuses at may anim na extension campuses habang ang Cavite State University ay may 12 campuses sa buong probinsya at ang Laguna State Polytechnic University ay may 4 na campuses.