Mga pamilyang apektado ng pagsara sa dumpsite sa CDO, suportado ng local government

Cagayan De Oro, Philippines – Tinipon na ng local government ang mahigit sa 300 na pamilyang apektado sa pagsara ng dumpsite, sa Zayas Landfill sa siyudad ng Cagayan De Oro.

Ayon kay Julius Pamisa, ang division head ng social community and development sa siyudad, ginawa ang profiling ng mga pamilyang apektado upang malaman kung anong klaseng suporta ang ibibigay ng local government.

Dagdag pa ni Pamisa na ang mga nakunan ng profile ang ginagawan na ng summary upang malaman kung anong grupo ang bibigyan ng training, livelihood projects at ang mga kabataan ang masusuportahan sa pamamagitan ng scholarship at pagbibigay ng trabaho.


Matatandaan na isasara na ang dumpsite sa Zayas Landfill ngayong araw at ililipat ito sa barangay Pagalungan kung saan mas malawak at malayo sa kabahayan.
Nation

Facebook Comments