Mga pamilyang Badjao, kalat na sa mga lansangan, ilang araw bago ang Pasko

Naglipana na sa ibat ibang lugar sa Quezon City ang mga pamilyang ‘Badjao’ ilang araw bago ang Pasko.

Makikita ang kanilang presensya sa kahabaan ng EDSA kung saan namamalimos sa mga motorista.

Pinapasok na rin ng mga palaboy ng lansangan ang mga kalye at nagbahay bahay sa mga residente para manghingi ng limos o Pamasko.


Ayon sa isang ginang na may bitbit pang sanggol, galing sila sa Basilan sa Mindanao at nagtungo sa Maynila.

Bagamat ayaw amining may taong nagdala sa kanila sa pagluwas sa Metro Manila sinabi nito na mula sa Basilan ay dumeritso silang mag anak sa isang bahay sa Angeles Pampanga.

Aniya, inuubos nila ang kanilang oras sa pamamalimos sa kalye at dito na rin natutulog kapag inabot ng gabi.

Isa sa mga lugar na ginagawa na ring pugad ng mga badjao ang center islands ng Agham Road sa QC.

Dito na rin sila namamalagi at natutulog kasama ang iba pang palaboy ng lansangan.

Facebook Comments