Panukalang batas para sa hiwalay na kulungan sa mga sentensyado sa karumal dumal na krimen, lusot na sa Senado

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas o senate bill 1055 na nagtatakda ng hiwalay na bilangguan sa mga sentensyado sa mga kaso ng karumal dumal na krimen.

21 mga Senador ang bomoto pabor sa panukala at walang komontra.

Ito ay isinulong nina Senate President Tito Sotto Iii, Senator Richard Gordon At Majority Leader Migz Zubiri.


Base sa panukala, magkakaroon ng tatlong maximum penal institution sa bansa na isa sa Luzon, isa sa Visayas at isa sa Mindanao.

Ang mga ito ay itatayo sa mga isla na tutukuyin ng Department of Justice (DOJ).

Nakasaad din sa panulala na dapat ay state of the art ang nabanggit na mga bilangguan kung saan kumpleto ito surveillance camera at may security system na 24/7 para mabantayang mabuti ang mga preso.

Samantala, sa iba pang balita dito sa Senado.

Dinidinig naman ngayon ng commission on apppointments committee on agriculture ang ad interim appointment sa Department of Agricultureni Secretary William Dar.

Facebook Comments