Manila, Philippines – Ligtas na sa kapahamakan ang mahigit anim na pamilya na biktima ng landslide malapit sa gate ng Palmera Hills 6, Brgy. Dolores, Taytay Rizal kaninang alas otso ng umaga.
Ayon kay Taytay-DRRMO Head Engr. Elmer Espiritu inilakas na ang humigit kumulang 30 individuals o anim na pamilya sa kanilang mga kapitbahay at ang iba naman ay sa evacuation area sa Munting Dilaw sa NHS, Antipolo City.
Paliwanag ni Espiritu nasira at nabagsakan ng gumuhong lupa ang mga bahay sa Brgy. Dolores dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan kagabi hanggang sa madaling araw.
Nagpaabot na rin ng tulong ang gobyerno ng Taytay sa mga biktima ng landslide at tiniyak sa mga pamilya na hahanapan sila ng lugar na matitirhan upang masegurong ligtas silang maninirahan pamilya.
Pinayuhan din ni Espiritu ang mga pamilyang apektado ng landslide na huwag ng bumalik sa kanilang bahay dahil lubhang delikado pang manirahan.