Halos 100 sidecar, sinira sa Quezon City

Manila, Philippines – Aabot sa 80 colorum na tricycle ang sinira ng Quezon City Public Order and Safety (QC-DPOS).

Ito’y bahagi ng one-strike policy na isinagawa ng Tricycle Regulatory Division (TRD) sa apat na barangay sa lungsod.

Ayon kay Robert dela Cruz, O-I-C ng QC-TRD – nakasaad sa tricycle management code ng lungsod na huhulihin ang lahat ng mga sidecars na walang prangkisa.


Pagkatapos ay agad itong sisirain upang hindi na mapakinabangan.

Maari namang matubos ang mga naiwang motorsiklo sa halagang tatlong libong piso.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan na patuloy ang gagawin nilang operasyon laban sa mga side-car na walang prangkisa.

Facebook Comments