Mga pamilyang maapektuhan ng NLEX C-5 Northlink Project, tiniyak ng QC-LGU na mabibigyan ng relokasyon

Pinawi ng Quezon City government at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang pangamba ng informal settlers na maapektuhan ng NLEX C-5 Northlink Project Segment 8.2 sa Barangay Bagbag.

Sa ipinatawag na pulong, ipinaliwanag ng Local Government Unit (LGU) at PCUP sa mga apektadong pamilya ang mga batas na kumikilala sa kanilang karapatan sa resettlement, guidelines sa pagiging eligible beneficiary ng relocation, at proseso ng pagiging isa sa mga recipient ng pabahay.

Nanindigan ang Quezon City government na hindi ito papayag na matuloy ang proyekto hangga’t hindi nabibigyan ng relokasyon, kabuhayan at kabayaran ang mga residente.


Base sa datos ng Housing Community Development and Resettlement Department, aabot sa 18,168 pamilya ang maaapektuhan ng expressway.

Kabilang dito ang mga pamilya sa Barangay Fairview; Holy Spirit; Matandang Balara; Culiat; Sauyo; Talipapa; Bagbag; at Pasong Tamo.

Ang proyekto ng national government ay inaasahang magpapaluwag sa daloy ng trapiko sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments