
Hinatiran ng tulong ng Office of Civil Defense-Cordillera Administrative Region kasama ng AFP Northern Luzon Command, Tactical Operations Group 1 and Group 2 at ng Philippine Air Force (PAF) ang mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo na nasa mga isolated area ng Abra.
Isinagawa ang isang airlift operations para maghatid ng Family Food Packs (FFPs) mula sa provincial government ng Abra at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kung saan nasa kabuuang 2, 214 na FFPs ang naipamahagi sa mga residente ng Malibcong at Tineg na tinuturing na remote area sa Abra.
Nagpasalamat naman ang OCD sa mga tumulong na mga ahensiya at grupo para maging posible ang nasabing relief operations.
Kaugnay nito, ang isinagawang operasyon ay parte ng on-going collaboration ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council na nagpapatuloy na pinalalakas ang multi-agency response mechanisms nito sa rehiyon.









