Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na may sapat silang relief supplies para ayudahan ang mga local government units na apektado ng El Niño sa bansa.
Katunayan, nakapagpalabas na sila ng P83,500 na halaga ng relief assistance sa Local government unit ng Alamada, sa North Cotabato para ipamahagi sa mga affected families.
Ang Alamada ay isa sa limang munisipalidad na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa tagtuyot kabilang ang Aleosan, Kabacan, Pigkawayan, at Pikit.
Base sa ulat ng DSWD-Disaster Response Management Bureau kabuuang 71,909 pamilya o 359,545 katao mula sa limang munisipalidad ang apektado ng tagtuyot.
Facebook Comments