Pulis nawawala matapos na makipag barilan sa mga wanted criminals sa Lanao Del Sur

Hinahanap na ngayon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang pulis na nawala matapos na mapalaban ang kanilang unit sa mga wanted criminals sa Lanao del Sur.

 

Kinilala itong si Police Corporal Gilbert Males ng Lanao del Sur Police Provincial Office-Provincial Intelligence Branch.

 

Ayon kay Police Captain Jemar Delos Santos, tagapagsalita ng Bangsamoro Autonomus Region in Muslim Mindanao Regional Police Office pasado alas 11:00 ng gabi noong April 3 nang isilbi ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa limang wanted na may kasong murder pero nanlaban ang mga ito kaya nagkaroon ng engkwentro.


 

Sa sagupaan namatay ang apat na mga wanted criminals ito ay sina Usop Malubay Abdulaziz, Zainodin Moro Macalatas Ameril, Alican Macabuntal Mkig Usman at Casara Macalatas.

 

Habang nasa ligtas nang kalagayan ang walong pulis at dalawang sibilyan na nasugatan at ngayon ay nagpapagaling sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City.

 

Nawawala naman si Police Corporal Males. Narekober sa pinangyarihan ng operasyon ang tatlong M16 Armalite rifle at mga bala.

Facebook Comments