![DSWD-FINAL.jpg](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2022/02/DSWD-FINAL.jpg?resize=696%2C696&ssl=1)
Napilitang lumikas sa kanilang mga tirahan ang mga katutubong Agta at Igorot at nanatili sa barangay Gymnasium upang maging ligtas at malayo sa bakbakan.
Para matulungan ang mga pamilyang naapektuhan, namigay ang ahensya ng hygiene kits, family food packs at P3,000 bawat pamilya habang hinihintay ang anunsiyo na maaari na silang makabalik sa kanilang mga tahanan.
Inihayag ni DSWD-RO2 Regional Director Cezario Joel Espejo na handa ang DSWD na magpaabot ng naaayong tulong sa mga pamilyang apektado.
Hinikayat din nito ang mga pamilyang nawalan ng trabaho na umiwas na makipagkasundo sa mga komunistang grupo sapagkat handa naman umano ang gobyerno na tumulong ng walang hinihinging kapalit.
Nagpasalamat naman si 1LT Judd Escubio, CMO Officer ng 98th Infantry Division, sa agarang pag-aksyon ng DSWD FO2, sa pagbibigay ng mga tulong sa pamilyang naapektuhan.
Tiniyak din niya na patuloy na susuportahan ng Philippine Army ang aktibidad na isasagawa pa ng DSWD FO2.
Tiniyak naman ng DSWD ang suporta sa mga apektadong indibidwal alinsunod sa Executive Order No.70 o whole of nation approach ng pamahalaan.