Mga pamilyang nasunugan sa San Mateo Rizal, nabigyan ng ayuda mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at ng tanggapan ni Senator Bong Go

Bagamat nagdadalamhati, ay nabigyan ng kahit papano ay bahagyang pag-asa ang halos 60-pamilya na biktima ng sunog dito sa Brgy. Dulong bayan uno in San Mateo, Rizal.

Ito ay dahil sa dinala na ni Senator Bong Go sa mga nasunugan ang ayuda o tulong mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Bukod sa financial assistance mula sa opisina ng Senador, ay mayroon ding dalang livelihood package ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga pamilya na dati nang may negosyo pero nawala dahil sa sunog.


Handa ring magbigay ang DTI ng puhunan gaya ng sari-sari store at kung anumang nais itayong pagkakakitaan ng isang fire victim families.

Sinagot na rin ng opisina ni Senator Bong Go ang pambili ng mga school supplies at school uniform para sa lahat ng mga batang mag-aaral na nawala ang mga kagamitan matapos ang sunog.

Alas-dos ng hapon noong February 25 nang sumiklab ang sunog dito sa Brgy. Dulong Bayan Uno, San Mateo, Rizal na tumupok sa 56 na kabahayan.

Isang siyam na taong gulang na batang babae ang namatay dahil sa malaking sunog.

Facebook Comments