MGA PAMPASAHERONG BUS PALABAS NG CAUAYAN, PUNUAN NA

CAUAYAN CITY- Dagsaan na ang mga pasaherong pauwi sa kani-kanilang mga trabaho matapos ang pagsalubong Bagong Taon sa mga bus terminal sa lungsod ng cauayan.

Ayon kay Security Guard Joren Matammo, nagsimula ang pagdagsa ng mga biyahero noong Enero 1, kung saan madaling araw pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga pasahero sa bus terminal.

Sinabi niya na fully booked na ang lahat ng biyahe ng bus hanggang ika-5 ng Enero, kaya’t ang ibang pasahero ay umaasa na lamang sa mga bakanteng upuan.


Dagdag pa niya, noong ika-1 ng Enero, umabot sa 19 na bus ang bumiyahe, kasama ang tatlong ekstrang bus para sa mga hindi nakabili ng ticket.

Gayunpaman, mabilis ding napuno ang mga ito dahil sa dami ng mga biyahero.

Samantala, inaasahan pa ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa mga susunod na oras, lalo na habang papalapit ang pagbabalik-trabaho at eskuwela.

Facebook Comments