MGA PAMPASAHERONG DRIVERS SA LUNGSOD NG DAGUPAN, MAS MABIGAT NA DALOY NG TRAPIKO UMANO ANG NARARANASAN DAHIL SA KALIWA’T KANANG ROAD PROJECTS

Mas mabigat na daloy ng trapiko ang nararanasan ngayon ng mga drivers at operators, byahero, motorista at mga pasahero sa Dagupan bunsod ng kaliwa’t kanang mga road projects sa lungsod.
Sa personal na panayam ng IFM Dagupan sa ilang mga jeepney drivers sa Dagupan, palala nang palala umano ang daloy ng trapiko ngayon dahil dulot ng mga proyekto ang makitid na daan.
Binaggit din ng mga ito na sakaling mapataas na umano ang mga kakalsadahan ay maiipon ang mga tubig ulan at tubig baha sa gilid ng mga kalsada bilang kanilang pakikisimpatya sa mga apektadong mga bahay o mga business establishments.

Aminado rin ang ilan sa mga ito na wala silang magawa dahil mula ang proyekto sa nasyonal na gobyerno at maging ang mga isinagawang public consultations ay wala rin umano nagawa upang mapatigil ito.
Sa kasalukuyan ay sadyang makitid na ang mga daanan at kinakailangan talaga nang bigayan sa daanan bagamat masyado umano matagal ang usad dahil na rin sa dami ng sasakyan na nagsusulputan ngayon sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments