Mga pampasaherong jeep na pasado sa roadworthiness test, dapat payagang pumasadang muli

Iginiit ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe sa Land Transportation Office (LTO) na pahintulutan ang muling pagpasada ng mga tradisyonal na pampasaherong jeep na pasado sa roadworthiness test.

Diin ni Poe, malaking tulong ito sa matinding kakulangan sa transportasyon lalo na sa mga pumapasok sa trabaho.

Ayon kay Poe, kailangang payagang bumiyahe ang tradisyonal na jeep dahil hindi sapat ang 1,500 na modern jeepney na ilalabas ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na linggo.


Ipinaliwanag ni Poe na ang talagang kabuuang numero ng mga jeep sa Metro Manila lamang ay nasa 60,000, kaya hindi sasapat ang mga modern jeepney.

Kasabay nito ay pinapatiyak ni Poe na ang lahat ng bibiyaheng jeep ay makakasunod sa health protocols para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments