Mga pampublikong ospital, handa sa pagtaas ng tinatamaan ng waterborne diseases ayon sa isang eksperto

Tiwala ang isang health expert na handa ang mga government hospitals upang tugunan nito ang inaasahang pagdami ng sakit na nakukuha sa tubig.

Pahayag ito ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante kaugnay sa nagpapatuloy na tag-ulan sa bansa.

Ayon kay Solante, nananatiling mataas ang bed allocation para sa mga WILD o waterborne diseases katulad ng influenza, leptospirosis at dengue.


Ngunit kailangan pa rin maging handa ang mga ito sakaling tumaas ang tinatamaan ng mga naturang sakit.

Mababatid na sumampa na sa 118,526 ang kaso ng dengue sa bansa hanggang August 6, mas mataas ng 153% kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.

Habang tumaas din sa 1,411 ang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang August 6, mas mataas naman sa naitalang 1,157 kaso sa kaparehas na panahon noong nakarang taon.

Facebook Comments