Mga pampublikong paaralan, inatasang tanggapin ang mga displaced students ng Marawi

Marawi City, Philippines – Inatasan na ni Education Secretary Leonor Briones ang lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa na tanggapin ang mga magaaral na mula sa Marawi City.

Ito ang kautusan na inilabas ng Department of Education (DepEd) sa harap na rin ng panawagan ng kalihim sa mga Magulang ng mga estudyante na i-enroll ang kanilang mga anak sa mga paaralan na malapit sa kanila.

Batay sa Memorandum order number 98 ng DepEd ay inaatasan nito ang lahat ng pampublikong paaralan sa bansa na tanggapin ang mga displaced students at huwag nang humingi ng mga papeles o requirements mula sa mga ito.


Batay naman sa tala ng DepEd ay mayroong mahigit 30 magaaraln mula sa marawi city ang naka enroll sa ilang paaralan sa Cebu at 35 naman ang nandito sa Maynila.

Nabatid naman na itinakda ng DepEd sa June 19 ang simula ng pasukan sa Marawi at ilang paaralan sa Lanao del Sur dahil narin sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.

DZXL558

Facebook Comments