Inihayag ng Deprtment of Education (DepEd) na nasa 70.62% pa lang ang nakapagsagawa na ng dry-run kaugnay sa distance learning na gagamitin bilang pamamaraan ng pagtuturo para sa School Year 2020-2021.
Ang nasabing percentage ay katumbas ng 30,780 na public schools sa bansa, sa kabuuang bilang nito na 43,581.
Ang 30,780 na public schools ay nagsimulang mag-dry run sa distance learning noong nagsimula ang DepEd na maghanda para rito at natapos ito noong September 13, 2020.
Ang natirirang pang 12,801 na public schools ay nagsimula na rin mag-dry run noong pang September 14 at target na tapusin ito bago magbukas ang pasukan sa October 5, 2020.
Pero iginiit ni DepEd Undersecretary Atty. Nepomuceno Malaluan na handang-handa na ang public schools at mga kawani nito para sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Matatandaan, iniusad ang class opening para sa School Year 2020-2021 sa October 5, mula sa original nitong schedule na August 24 sa kadahilan na makahabol pa ang ibang mag-aaral upang makapag-enroll.