Marawi City – Hindi na tatanggap pa ng mga estudyanteng nagsilikas mula sa Marawi City ang mga pampublikong paaralan sa Maynila.
Ayon kay Manila City Schools Superintendent Dr. Wilfredo Cabral, umabot na sa deadline ang itinakda ng Department of Education para sa transferees na mula sa mga conflict area sa Mindanao.
Nabatid na sa kabuuan ay mayroong naitalang 176 na transferee mula sa Mindanao at ang pinakamarami rito ay napunta sa Geronimo Santiago Elementary School.
Nilinaw naman ni Dr. Cabral, wala silang problema sa mga transferee dahil mayroon naman silang sapat na mga silid aralan.
Facebook Comments