Dalawa katao, patay sa magkahiwalay na insdente ng pamamaril sa Quezon City

115

Quezon City – Dalawa ang patay sa magkahiwalay na insdente ng pamamaril sa Quezon City.

Unang napatay ang 21-anyos na si Zoren Morales na papauwi na sana sa kanilang bahay ng pagbabarilin ng riding in tandem sa ulo.

Aminado naman ang pamilya na dating gumagamit ng iligal na droga si Morales, pero nagbago na siya matapos sumuko sa Oplan Tokhang sa barangay.


Nauwi naman sa barilan ang alitan ng dalawang magkapatid na sina Joseph at Esteban Dulata sa Novaliches.

Bumulagta sa Villareal Street ang pedicab driver na si Joseph dahil sa mga tama ng bala sa dibdib.

Isyu sa pamilya ang pinagmulan ng alitan kung saan pinaghahanap na ng pulisya si Esteban na mabilis na tumakas matapos ang insidente.



Facebook Comments