Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nasa 35% lamang ng 230,000 target na public utility vehicles (PUVs) ang nakakuha ng bagong fare matrix.
Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, aabot pa lang sa 82,000 ang humiling ng kopya ng fare matrix.
Dagdag pa ni Bolano, nasa 32% ng mga kopya ng adjusted fare matrix ang kanilang nailabas na.
Muli naman pinaalala ni Bolano na batay sa Joint Administrative Order No. 2014-001 ay P5,000 na multa ang ipapataw sa mga pampublikong sasakyan na hindi magpapakita ng kopya ng bagong fare matrix at kung saan hindi rin sila pwede maningil ng taas-pasahe.
Matatandaang, epektibo simula noong Oktubre 3 ang inaprubahan ng LTFRB na taas-pasahe sa mga traditional at modern public utility jeepneys (PUJs), provincial at city buses, taxis at transport network vehicle services (TNVS).