₱70 kada kilo na puting asukal, mabibili na sa tanggapan ng DA!

Makakabili na ngayon ng murang puting asukal sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City.

Nagsimula kahapon ang pagbebenta ng murang asukal na tatagal hanggang sa Biyernes, October 28.

Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), mabibili ito sa halagang ₱70 kada kilo at hanggang tatlong kilo kada indibidwal.


Bukas ang bentahan ng nasabing asukal hanggang ala-singko ng hapon.

Dagdag pa ng SRA, kapag natapos ang naturang aktibidad sa DA ay meron pa rin mabibili naman sa tanggapan ng SRA sa North Avenue, Quezon City.

Facebook Comments