Cauayan City, Isabela- Ipinaabot ng bawat Municipal Agriculture Office kay Governor Rodito Albano III ang mga tulong na kinakailangang matugunan para sa mga magsasakang naapektuhan ng mga magkakasunod na bagyo sa Lalawigan.
Karamihan sa mga hiniling ng bawat MAO sa Gobernador na mabigyan ng assorted vegetable seeds, abono at mga alagaing manok bilang alternatibong pangkabuhayan ng mga apektadong magsasaka.
Ilan sa mga ni-request sa Gobernador ay magkaroon ng long-term solutions gaya ng paggawa ng water impounding project at post-harvest facilities tulad ng circular flatbed dryer.
Ayon naman kay Divilacan Mayor Venturito Bulan, sinabi nito na tinatayang aabot sa 30 na mga mangingisda ang nawalan ng panghanap buhay matapos sirain ng malakas na bagyo ang kanilang mga bangka.
Hindi rin nakaligtas sa severe flashfloods ang bayan ng Sto Tomas kung saan marami sa mga sakop na barangay ang na-isolate dahil sa baha kaya’t hiniling naman ni Mayor Antonio Talaue Sr. kay Governor Albano at sa mga local chief executives na mabigyan ng sapat na tulong at suporta ang mga nasalanta nitong constituents.
Tiniyak naman ng Gobernador na agad na matugunan ang mga kinakailangang tulong na dapat maibigay sa mga apektadong lugar sa probinsya.