*Cauayan City, Isabela- *Papalitan na ng Pamahalaang Panlungsod ang mga pangalan ng ilang kalye dito sa Lungsod ng Cauayan matapos aprubahan ng City Council ang resolution na ipinanukala ni Sangguniang Panlungsod Bagnos Maximo Sr.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay SP member Bagnos Maximo Sr., layunin umano ng kanilang pagpapalit sa mga pangalan ng kalye dito sa lungsod ay upang malaman agad ng mga mamamayan ang mga lugar na kanilang hinahanap o pupuntahan.
Bagamat may mga kalye na umanong may dati ng pangalan ay kailangan pa rin umano itong palitan upang mairehistro sa road network dito sa Lungsod at upang mabigyan na rin ng legal na pangalan ang mga lansangan.
Ayon pa kay SP Member Maximo Sr., bukod sa pagsusumite ng mga Brgy Officials ng resolution ay kailangan din umano nilang magpasa ng road network map sa kanilang barangay upang magawa at mapalitan na ng City Planning and Development Office ang pangalan ng kanilang mga nasasakupang kalye.
Dagdag pa niya, prayoridad muna nilang isaalang-alang ang mga kalye dito sa Poblacion area subalit hinihikayat pa rin ni Councilor Maximo Sr. ang mga brgy. Officials na magpasa na ng kanilang mga dokumento upang maasikaso na agad ng Pamahalaang Panlungsod.
*Tags: DWKD985Cauayan, RMN Cauayan, Cauayan City, Luzon, Isabela, Councilor Bagnos Maximo Sr.*