Mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo, dapat mabilis na matugunan ng mga ahensya ayon kay Pangulong Duterte

85

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan na kumilos ng mabilis sa pagtugon ng pangangailangan ng mga taong nasalanta ng mga bagyo.

Ayon kay Pangulong Duterte, nagpaalala siya sa mga ahensya lalo na sa Department of Budget and Management (DBM) na mabilis na ilabas ang pondo para ito ay ma-access ng lokal na pamahalaan.


Dapat aniya mag-dolbe kayod ang gabinete sa paghahatid ng relief assistance sa mga biktima ng bagyo.

Matatandaang bumuo si Pangulong Duterte ng inter-agency task force na siyang magpapaikli at magpapabilis ng rehabilitation process sa mga lugar na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Facebook Comments