MGA PANGASINENSE, HINIKAYAT NG OTORIDAD NA MAGING MAALAM SA TAMANG MGA IMPORMASYON UKOL SA KALAGAYAN NG PANAHON NGAYON

Hinihikayat ang mga Pangasinense na maging updated at maalam sa tamang impormasyon ukol sa kalagayan ng panahon ngayon lalo na at unti-unti nang nararamdaman ang epekto ng El Nino sa lalawigan ng Pangasinan, gayundin ang season ng pagdating ng mga bagyo sa bansa.
Manatili umano ang pagtutok sa mga ulat panahon na mula mismo sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o ang PAGASA, gayundin sa Local Disaster Risk Reduction Management Office ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan na may balita ukol sa magiging lagay ng panahon tulad ng mga rainfall advisories, High Tide Schedule at iba pa.
Matatandaan na kaugnay sa preparasyong inihahanda ng Pangasinan sa posibleng mga epekto ng El Niño Phenomenon ay ibinahagi ang ilang mga hakbangin upang maminimize o masolusyunan ang mga paparating na suliranin lalo na sa sektor ng agrikultura, maging mga precautionary measures sa mga lokal na komunidad sa lalawigan.

Samantala, bahagyang nararanasan na ngayon ang kahaharaping malawakang epekto ng El Nino na inaasahang magtatagal sa mga susunod na buwan o huling quarter ng taon o sa buwan ng Oktubre at unang quarter ng taong 2024. |ifmnews
Facebook Comments