Mga Pangasinense, pinag-iingat matapos ang magkakasunod na pagkakatala ng mataas na heat index

Puspusan ngayon ang pagpapaalala ng mga health experts sa Pangasinan kaugnay sa ibayong pag-iingat dahil sa napakainit na panahon sa lalawigan.

Itoy matapos makagpagtala ng magkakasunod na mataas na heat index sa buong lalawigan sa nakalipas na tatlong araw lung saan ay 40 degrees Celsius noong biyernes, 41 degrees Celsius noong Sabado at 42 degrees Celsius kahapon.

Asahan umano ang mataas na heat index na naman ngayong pagpasok ng panibagong linggo.


Ang pag-inom ng maraming tubig at pagsusuot ng mga komportableng damit ang ilang sa kanilang payo, subalit pinakamainam pa rin ang hindi paglabas ng mula 10am hanggang 3pm kung di naman kailangan.

Samantala, kinukumpirma pa ng IFM Dagupan ang napaulat na isang matandang lalaki ang nag-collapse habang namamalengke sa bayan ng Mangaldan kahapon.

Facebook Comments