Mga panguhing kalsada ng lungsod ng Pasig, malinis matapos salubungin ang Bagong Taon

Ikinatuwa ng mga street sweeper ng lungsod ng Pasig ang pagiging malinis ng mga pangunahing kalsada nito sakabila ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Halos wala kasing basura ng mga paputok ang mga pangunahing kalsada ng lungsod tulad ng Malinao, Kapasigan, Caruncho Ave., Sumilang, Bagong Ilog at San Joaquin.

Ayon sa ilang street sweepers, mas napadali ang kanilang paglilinis ng kalsada ngayong Bagong Taon kumpara noong pasalubong ng 2020.


Gayunman, ilang residente sa tagong lugar sa lungsod tulad ng Wellia Rey Road 2 ng Barangay Pinagbuhatan ang nagsindi pa rin ng paputok.

Facebook Comments