Mga pangunahing pangangailangan ng mga residenteng nasa ilalim ng “lockdown”, pinatitiyak ng ilang kongresista

Umaapela si House Committee on Social Services Chairman Alfred Vargas sa mga lokal na pamahalaan na ibigay sa mga residente na nasa ilalim ng “lockdown” ang kanilang mga pangangailangan.

Bunsod na rin ito ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa at pagsasailalim sa granular lockdown sa mga lugar na nasa “critical zones”.

Ayon kay Vargas, kaakibat ng lockdown gaya ng ipinapatupad ng mga Local Government Units o LGUs ang ilang “inconvenience” o abala sa mga residente.


Kaya naman apela ng kongresista sa mga LGUs, tiyakin na mapagkalooban o maibibigay ang “basic needs” o ilang mahahalagang pangangailangan at serbisyo ng mga residente habang umiiral ang lockdowns.

Nanawagan naman si House Assistant Majority Leader Precious Hipolito-Castelo, na walang diskriminasyon sa pagkakaloob ng tulong at serbisyo sa mga apektado ng lockdown.

Facebook Comments