Inilatag ng Malacañang ang mga pangunahing tungkulin ng President at Chief Executive Officer (CEO) ng Maharlika Investment Corporation (MIC) na si Rafael Consing Jr.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang mga tungkulin ni Consing ay ang:
– pagtatatag ng malawak na portfolio ng pamumuhunan sa lokal at pandaigdigang financial market at iba pang asset alinsunod sa layunin ng MIF.
– pangasiwaan at mamuhunan mula sa kontribusyong malilikha alinsunod sa RA 11954.
– tumanggap at pangasiwaan ang pamumuhunan na naglalayong tumaas ang kita.
– i-develop at palakasin ang pagsasanay sa pananalapi, ekonomiya, risk mitigation, mahusay na pamamahala, at pagpapahusay sa kapasidad sa human resources
– ipatupad ang mga best practice sa pamumuhunan at pangasiwaan ang asset alinsunod sa Santiago Principles at iba pang globally-recognized standards ng transparency at accountability.
Samantala, kumpiyansa naman ang ilang ekonomista sa kakayahan ni Consing para pangasiwaan ang sovereign fund ng bansa.
Nasa mabuting kamay anila ang MIF at akma sa posisyon si Consing kung kaya’t magagampanan nito ng mahusay ang mga responsibilidad para mapangalagaan ang MIF.