Manila, Philippines – Muling humarap sa Sandiganbayan ang mga panibagong testigo kaungay sa kasong plunder at pre-trial graft ni dating Senador Bong Revilla.
Ang mga testigo ay mga dating empleyado ng gobyerno.
Pare-parehong pinatotohanan ng mga testigo na hindi sila nakatanggap ng anumang agriculture production kits o livelihood mula sa Masaganang Ani para sa mga Magsasaka Foundation Inc. na umano’y Non-Government Organization (NGO) ni Revilla.
Naniniwala si Revilla – na lalabas din ang katotohanan.
Mariin aniyang iginiit ng kayang abogado na si Atty. Estelito Mendoza na walang kaugnayan ang testimonya ng mga testigo sa isyu o kaso ni Revilla.
Isinagawa ang pre-trial ng kasong graft ni Revilla na iniuugnay din sa pork barrel scam.
Nakatakdang mag-umpisa ang pagdinig ng kanyang kasong graft sa Oktubre 5 habang magpapatuloy naman ang pagdinig ng plunder case nito sa Agosto 27.