Mga paninda sa Kadiwa ng Pasko, handang tulungan ng DTI na makapwesto sa mga mall ng libre

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na handa nilang tulungan ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na mapalawak ang kanilang negosyo.

Ayon kay DTI Usec. Dominic Tolentino sa kanyang pag-iikot sa Kadiwa ng Pasko sa Muntinlupa City, napansin niya ang sardinas na pang international ang packaging na gawa ng residente ng Muntinlupa City.

Paliwanag ni Usec. Tolentino na mayroon joint venture ang DTI, airport at management ng mall kung saan makakapagtinda ng libre ang mga MSMEs.


Dagdag pa ni Tolentino na tutulungan nila ang mga maliliit na negosyante na maglagay ng panibagong platform gaya ng sa SM at Robinsons Mall.

Ngayong araw, maraming Kadiwa ng Pasko ng Office of the President ang magbubukas katuwang ng mga lokal na pamahalaan, DTI, DA, DSWD at Micro, Small, at Medium Enterprises sa siyudad kung saan makakabili ng murang produkto.

Facebook Comments