850 NA REGISTERED FARMERS SA SAN QUINTIN, NAPAMAHAGIAN NG HYBRID RICE SEEDS

Tinatayang nasa limang libong hybrid seed packs ang matagumpay na ipinamahagi sa mga rehistradong magsasaka sa bayan ng San Quintin, Pangasinan.
Nasa walong daan at limampung (850) mga magsasaka na rehistrado sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture o RSBSA ang mga napiling benepisyaryo ng hybrid rice seeds sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance Program sa tulong na rin ng lokal na pamahalaan ng San Quintin.
Ang mga nasabing seed packs ay nakatakdang itanim sa darating na dry cropping season na mag-uumpisa ngayon hanggang taong 2023. |ifmnews

Facebook Comments