Mga Panindang Alak, Kinumpiska ng Isang Kapitan sa San Mariano, Isabela

Cauayan City, Isabela- Kinumpiska ng mismong barangay Kapitan ang mga ibinebentang alak sa lahat ng mga tindahan sa Maranao, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy. Captain Nelson Baui, ito ay upang matiyak na walang makakalusot na magbebenta at iinom ng alak sa kanyang nasasakupan bilang pagsunod sa ipinapatupad na liqour ban.

Nasa mahigit 10 na tindahan ang mga nakuhanan ng alak at pansamantalang itinago muna ang mga ito sa kanilang barangay hall.


Tiniyak ng Kapitan na hindi gagalawin o iinumin ng kanyang mga kasamahan ang mga nakumpiskang alak.

Ibabalik rin aniya sa mga may-ari ang mga alak sa sandaling i-lift na ang Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments