Hindi inaasahan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagtaas ng volume ng mga pasahero sa mga pantalan ilang araw bago gunitain ng bansa ang Undas.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago, na magkaroon man ng pagtaas ay bahagya lamang dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID- 19.
Ayon kay Santiago madami pa rin kasing requirements upang makapaglayag.
May ilang Local Government Unit (LGU) kasi na nangangailangan pa rin ng negative RT-PCR test result habang ang ilan naman ay kinakailangan lamang magpakita ng katunayang fully vaccinated ang isang biyahero at kailangan din ng S-Pass o travel pass mula sa LGU of destination.
Sa ngayon ani Santiago ay 50% lamang ang kapasidad ng mga terminal sa bansa gayundin ng mga vessels.
May mga marshall din aniyang nag-iikot upang matiyak na nasusunod ang minimum public health standards sa mga pantalan at mga barko.
Ngayong nalalapit ang Undas ay naka-heightened alert ang ahensya pero mas pinaigting pa ito kasunod nang patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.