Mga pantalan sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong Karding, balik normal na ayon sa PCG

Normal na ngayon ang operasyon sa mga pantalan sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong Karding.

Sa Laging Handa briefing sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Armand Balilo na ang mga pantalan sa Bicol, sa Southern Tagalog partikular sa Batangas at Mindoro at maging sa Metro Manila ay normal na ngayon ang operasyon ng mga pantalan.

Sinabi pa ni Balilo, walang naitalang maritime incident, nawalang mangingisda o nasirang mga bangka sa pananalasa ng Bagyong Karding.


Naging maagap daw kasi sa pakikinig sa abiso ang mga nakatira sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.

Bago kasi ang pag-landfall ng Bagyong Karding ay nag-abiso na ang PCG sa mga operator ng mga sasakyang pandagat na sumukob muna at gumawa ng iba pang mga precautionary measure.

Sa kabila nito, nagpapaalala pa rin ang PCG sa mga pumapalaot gamit ang maliliit ng bangka na patuloy na mag-monitor ng lagay ng panahon para maiwasan ang pagkasawi o pagkawala sa karagatan.

Facebook Comments