NBI at PNP, inatasan na ng DOJ na ipasara ang illegal POGOs sa bansa

73

Inatasan na ni Justice Secretary Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na isara ang halos 200 iligal na POGOs sa bansa.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, sa nakuha nilang listahan sa PAGCOR ay 175 ang mga POGO sa bansa na iligal na nag-ooperate.

Sa ngayon aniya ay wala pang inisyal na report na isinumite ang NBI at PNP sa mga ipinasarang POGOs.


Inihayag ni Clavano na inatasan na rin ni Remulla ang NBI na muling imbestigahan ang mga POGO na patuloy na nag-ooperate kahit wala nang lisensya gayundin ang POGO-related crimes.

Nais ng DOJ na madakip ang illegal POGO employees sa unang linggo ng Oktubre.

Target naman ng DOJ na masimulan ang deportation sa 2,000 hanggang 3,000 Chinese illegal POGO employees sa kalagitnaan ng Oktubre.



Facebook Comments