Mga panukala kaugnay sa pagbangon ng ekonomiya, pinaaaksyunan agad sa pagbabalik-sesyon ng kongreso

Ihihirit ni Deputy Speaker Loren Legarda sa Kamara na agad aksyunan ang mga panukalang batas kaugnay sa pagbangon ng ekonomiya sa pagbabalik sesyon sa Mayo.

Isa sa mga panukala na pinamamadali ng kongresista na mapagtibay ay ang Restaurant Industry Survival Act o House Bill 7610.

Nakasaad sa panukala na sa ilalim ng “better normal situation” ay bibigyan ng sapat na tulong ang restaurant industry na pinadapa ng husto ng COVID-19 pandemic.


Inirerekomenda rito ni Legarda na bigyan ng gobyerno ng insentibo sa buwis at palawigin ang pagbabayad ng renta ng mga negosyante sa restaurant industry na napilitang magsara dahil sa pandemya.

Kabilang pa sa mga panukala na pinaaaksyunan sa pagbabalik sesyon ang House Bill 10405 o ang “One Tablet, One Student Act” na naglalayong mabigyan ang mga elementary, senior high, at college students ng gadget para sa kanilang pag-aaral at House Bill 10621 na magkakaloob naman ng buwanang Special Risk Allowance (SRA) sa mga private at public healthcare workers sa bansa.

Facebook Comments