Kongresista, hinikayat si Pangulong Rodrigo Duterte na si VP Leni Robredo na ang iendorsong susunod na pangulo ng bansa

Hinimok ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez si Pangulong Rodrigo Duterte na si Vice President Leni Robredo na ang iendorso na susunod na pangulo ng bansa.

Ayon kay Rodriguez, nagpahayag si Pangulong Duterte na ang nais niyang pumalit sa kanya ay isang abogado, may good judgment at compassionate.

Aniya, bilang isa ring abogado ay sang-ayon siya sa nais ni Pangulong Duterte na mga katangian ng susunod na Presidente.


Wala rin aniyang ibang sakto sa mga nabanggit na karakter kundi si VP Robredo.

Si VP Leni rin umano ang makapagpapatuloy ng mga nasimulang pagbabago ni Pangulong Duterte dahil bilang ikalawang pangulo ng bansa ay naging bahagi rin sa reporma, polisiya at decision-making process ng pamahalaan si Robredo.

Bukod kay Rodriguez ilan pang kongresista ang nagpahayag ng suporta kay Robredo tulad nila Cong. Joey Salceda at Lawrence Fortun.

Facebook Comments