Mga panukala sa dagdag na sahod sa mga guro at ibang kawani ng gobyerno ipinasasa-prayoridad ng ilang Kongresista sa Pangulo

Nanawagan sina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro na gawing prayoridad ni Pangulong Duterte na maipasa ang mga panukala para sa dagdag na sweldo.

 

 

Iginiit ng mga kongresista na gawing top priority ang salary increase bills na matagal nang nakahain sa Kongreso.

 

 

Anila, kung nagawa ng Pangulo na pabilisin ang pagapruba sa dagdag na sahod para sa mga pulis at sundalo gayundin ang TRAIN Law ay hindi hamak na kaya ding maipasa ang panukala para sa ‘substantial salary increase’ para sa lahat ng mga kawani ng gobyerno.


 

 

Kabilang sa mga panukala na nakabinbin sa Kamara ang House Bill 7211 o ang P30,000 minimum pay para sa mga public school teachers, P31,000 minimum para naman sa mga teaching personnel sa mga state universities and colleges at P16,000 na minimum pay sa mga nagtatrabaho sa gobyerno.

 

 

Ipinaalala pa ng mga mambabatas ang pangako ni Pangulong Duterte na ngayong taon ay mga guro na ang kanyang isusunod na pagkakalooban ng dagdag na sahod.

Facebook Comments