CHR, iniimbestigahan na din ang nangyaring pagpatay ng isang pulis sa isang bata sa Caloocan

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights o CHR hinggil sa pagpatay ng isang Pulis-Caloocan sa isang anim na taong gulang na bata na si Gian Habal.

 

Sa inilabas na pahayag ng CHR, inaalam na nila ang tunay na nangyari sa insidente kung saan base Sa nakalap nilang impormasyon, nangyari ang pamamaril sa biktima noong April 28, 2019 sa Barangay Sto. Nino, Camarin, Caloocan City.

 

Ang suspek ay kinilalang si Police Corporal Rocky Delos Reyes, na una nang nagsabing hindi raw niya sinadya ang pagkakabaril sa bata na naglalaro noon sa labas ng kanilang bahay nang mangyari ang insidente.


 

Sa ngayon, puspusan pa din ang imbestigasyon ng CHR upang alamin ang ibang pang mga detalye ng pagkasawi ng bata kung saan bumista din sa pinangyarihan ng krimen si NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar at nakaharap din nito ang suspek na pulis.

Facebook Comments