Mga panukala tungkol sa labor, ikakasa na sa Kamara

Manila, Philippines – Matapos ang Labor day at ngayon naman ay pagbubukas ng sesyon ay nakatakdang talakayin ng Mababang Kapulungan ang mga panukalang batas na may kinalaman sa paggawa.

Tatalakayin sa Miyerkules ng House Committee on Labor and Employment ng Kamara ang House Bill 5018 o ang karapatan ng mga manggagawa sa tamang sweldo at benepisyo at House Bill 356 o ang paghihigpit ng parusa sa mga kumpanya na hindi naman tumutupad sa itinatakdang minimum wage.

Ang mga panukalang ito ay inihain ni House Sepaker Pantaleon Alvarez at DIWA PL Rep. Emmiline Villar na nag-aamyenda sa PD 442 o Labor Code of the Philippines at RA 6727 o Wage rationalization act.


Giit ni Alvarez, kulang ang kasalukuyang batas para parusahan ang mga employers na hindi nagpapasweldo ng minimum sa kanilang mga empleyado.

Layon ng kanyang panukala na matigil na ang iligal na gawain ng mga private sector employers at ang patuloy na exploitation sa mga manggagawa.

Sisilipin din hindi lamang ang sahod ng mga manggagawa kundi pati na rin ang pagtupad ng mga employer sa ibang benepisyo para sa mga empleyado tulad ng SSS, PhilHealth at PAGIBIG.

Ang mga employers na hindi tutupad sa pagpapasahod ng minimum wage ay mahaharap sa dalawang taong pagkakabilanggo o multang P50,000 piso hanggang P300,000 piso dagdag pa ang moral damages na P50,000 piso sa bawat apektadong empleyado at pagbabayad sa legal fees na ginastos ng manggagawa o mahaharap sa kaparehong parusa.

DZXL558

Facebook Comments