Mga panukala ukol sa pagtatag ng Department of Disaster Resilience, pinapasertipikahang urgent ni Senator Cayetano

Balak ni Senator Alan Peter Cayetano na magpadala ng liham sa Malacañang para hilingin na sertipikahang urgent ang mga panukala ukol sa pagtatag ng Department of Disaster Resilience o DDR.

Sa Senado ay tatlo ang panukala para sa DDR na inihain ng magkapatid na Pia at Alan Cayetano, at Senator Christopher Bong Go.

Ang hakbang ni Cayetano ay kasunod ng malakas na lindol na naramdaman kahapon sa ilang bahagi ng Luzon kasama ang ilang parte ng Metro Manila.


Paliwanag ni Cayetano, pawang koordinasyon lamang ang ginagawa ng 44 ahensya na may kaugnayan sa paghahanda at pagtugon sa kalamidad at walang iisang departamento na talagang nakatutok dito.

Giit ni Cayetano, kailangan ng Pilipinas ang DDR dahil labis tayong apektado ng climate change at madalas din tayong tinatamaan ng iba’t ibang kalamidad at sakuna.

Facebook Comments